GMA Logo Tito Sotto, Paolo Ballesteros, Miles Ocampo
What's on TV

Tito Sotto, Paolo Ballesteros, at Miles Ocampo, binisita ang dabarkads sa Tuguegarao

By Jimboy Napoles
Published October 24, 2022 7:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Tito Sotto, Paolo Ballesteros, Miles Ocampo


Maraming salamat sa mainit na pagtanggap, Tuguegarao!

Mainit na sinalubong ng dabarkads sa Tuguegarao ang Eat Bulaga hosts na sina Tito Sotto, Paolo Ballesteros, at Miles Ocampo nitong Sabado, October 22, na bumisita para sa provincial auditions ng "Bida Next" at ng bagong segment ng noontime show na "Sayaw Barangay 2022."

Sa nasabing pagbisita ng EB hosts, dinumog ng maraming dabarkads ang venue upang makisaya sa kanilang pagdating. Aliw na aliw at napabilib naman ang tatlong hosts sa mga ipinakitang talento ng mga dabarkads doon na nag-audition.

A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979)

Sa nasabing bagong dance segment ng programa, aabante sa grand finals ang grupo na Sign of God mula Brgy. Anao, Cabagan, Isabela.

A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979)

Bukod dito, nagpa-talent audition din ang tatlo para naman sa "Bida Next" na search for the next EB dabarkads.

Nagpasalamat naman ang Eat Bulaga sa masayang pagsalubong at pagtanggap ng mga taga-Tuguegarao sa kanilang pagbisita.

"Maraming maraming salamat, Tuguegarao!" mensahe ng Eat Bulaga sa kanilang post.

A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979)

Para sa iba pang updates tungkol sa "Sayaw Barangay 2022," at "Bida Next," tumutok lamang sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA o bisitahin ang Eat Bulaga show page sa GMANetwork.com.

SILIPIN NAMAN ANG NAGING SUGOD-PROBINSIYA NG EAT BULAGA SA ZAMBOANGA DEL NORTE SA GALLERY NA ITO: