
Isa sa choices sa "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga kahapon, October 24, ang "At Liit" star na si Diego Llorico ng longest-running gag show na Bubble Gang.
Sa mga hindi nakakaalam, bago lumabas sa flagship gag show ng GMA-7 si Diego ay parte na siya noon ng production.
Lahad niya, “Nagta-trabaho naman ako sa office, pero, mga one year lang, na-discover na ako ng GMA.
“Nag-umpisa ako as PA (production assistant) sa 'Bubble Gang,' tapos naging segment producer. Tapos ngayon associate producer. So, tuloy-tuloy pa rin 'yung pag-o-office ko.”
Source: Eat Bulaga
Aminado rin ang Kapuso comedian na hindi niya in-expect na magiging TV star. Sabi nito, “Nung una hindi ko inisip na lalabas ako sa TV.”
Pagpapatuloy niya, “Bale may mga role kasi, alam mo naman 'yung mga artista, gaganda 'di ba? Ayun, tapos, may role na parang tingin nila bagay sa akin. So, sinubukan, tapos parang, tuwing may mga ganung role ako na 'yung lalabas.”
May nakakatawang hirit din si Diego nang tanungin ni Jose Manalo kung nagustuhan na ba niya nang lumabas na siya sa Bubble Gang.
Pabirong sabi niya, “Nung una, tamang ano lang, 'Okay na yan pamasahe rin' [laughs]”
Kahit nakikita sa TV, binigyan-diin pa rin ni Diego na focus pa rin siya sa trabaho niya sa production side.
Wika niya, “Hanggang ngayon. Ang isip ko sa production pa rin, tsaka, siyempre kung ano 'yung ikadadali ng taping. Kung ano 'yung mas ikaluluwag ng bawat isa. Doon lang ako.”
Panoorin ang appearance ni Kababol Diego sa "Bawal Judgmental" below:
HETO ANG ILAN SA COMEDIANS NA PROUD GRADUATE NG BUBBLE GANG: