#TRIVIA: Dabarkads and the year they joined 'Eat Bulaga'

Ang 'Eat Bulaga' ay kinikilala bilang longest-running noontime show sa bansa. Nagsimula ito noong 1976 at umere pa noon sa ibang TV networks bago ito nalipat sa GMA Network noong 1995.
Katulad ng kataga sa theme song nito, "barkada ay dumarami," dahil sa tagal na ng programa sa telebisyon. Bukod sa mga pioneer nitong sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, tuluy-tuloy na nadaragdagan ang hosts nito.
Tingnan dito kung sinu-sino na ang mga naging 'Eat Bulaga' dabarkadas at kung kelan sila nagsimula.























