GMA Logo EA Guzman and Shaira Diaz
Photo by: shairadiaz_ (IG)
What's on TV

EA Guzman at Shaira Diaz, paano nga ba nagsimula ang kanilang love story?

By Aimee Anoc
Published November 17, 2022 5:10 PM PHT
Updated November 21, 2022 1:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rob Reiner’s son arrested on homicide charges after filmmaker, wife found dead
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

EA Guzman and Shaira Diaz


Mahigit siyam na taon nang magkarelasyon ang Kapuso stars na sina EA Guzman at Shaira Diaz.

Ikinuwento ni Shaira Diaz ang naging simula ng siyam na taon na ngayong relasyon nila ni EA Guzman.

Ayon kay Shaira, nagkakilala sila ni EA sa isang talent search na sinalihan niya, kung saan naka-partner niya sa sayaw ang aktor.

"Nasa talent search kasi ako noon tapos naka-partner ko siya. Dapat hindi talaga siya 'yung partner ko, tapos for some reason napalitan, naging siya na. Tapos nagka-crush na siya sa akin," kuwento ni Shaira sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga.

Paglilinaw naman ni EA, noong unang nagkita sila ng aktres ay hindi niya pa ito agad na nagustuhan.

"Sabi ko, 'Okay, siya 'yung makaka-partner ko.' And then, siguro three weeks after, nasa isang mall show kami, pababa siya ng backstage, naroon ako and then nakita ko siya talagang napa-second look ako," sabi ng Nakarehas Na Puso actor.

Dagdag niya, "Dito ako naniwala sa mga pelikula. Nangyayari pala talaga 'yun, kapag nakita mo 'yung tao tapos bigla kang [mapapalingon]. Habang bumababa siya, sinabi ko sa sarili ko, 'Okay pala siya, maganda pala siya.'"

Matapos daw ang mall show ay kinuha ni EA ang number ni Shaira mula sa best friend ng aktres. Pag-amin ni Shaira, hindi niya pa gusto si EA noong panahong iyon dahil para raw itong "chickboy."

"Pero may crush ka na kaunti?" tanong ni EA kay Shaira. Agad na sagot ng aktres, "Siguro dahil nadala lang, dahil noong naka-partner ko siya roon sa show na ' yun. First time ko lang mag-top, parang naging top scorer ako noong time na naka-partner ko siya "

Ikinuwento rin ni Shaira kung paano siya niligawan ni EA. Aniya, apat na buwan siyang sinuyo ng aktor.

"Ang napansin ko kasi sa kaniya consistent siya, tapos magalang sa mga magulang. Tapos palaging mabango.

"Siguro 'yung isang [nagustuhan] ko talaga sa kaniya, sobrang palagi s'yang mabango. Parang alam mo 'yun kapag magkasama kami 'yung scent n'ya naiiwan sa akin. So parang, 'Ay, naaalala ko s'ya palagi.'"

TINGNAN ANG NAGING BAKASYON SA U.S. NINA EA GUZMAN AT SHAIRA DIAZ DITO: