
Maraming nilu-look forward ngayong taon ang Eat Bulaga hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.
Sa vlog na ibinahagi ng Eat Bulaga, sinabi nina Tito, Vic, at Joey ang mga hinihiling nilang mangyari ngayong taon.
Ayon kay Tito, looking forward siya na mabuksan na ang kanyang recording studio. Aniya, "Finally mabubuksan 'yung... dati kong recording studio ito pero ngayon completely bago na at completely modern, riding with the times."
Hiling naman ni Vic na maka-recover na ang lahat sa nagdaang pandemya. Sabi niya, "Maraming naistorbo ng pandemic, maraming nasalanta ng mga bagyo, ng mga baha. Hoping and praying na maka-recover ang ating mga dabarkads."
Para naman kay Joey, "Well, simple lang ang sagot ko, 2024. Ganoon ka simple lang 'yun, nandoon na lahat 'yun, but happy!"
Bukod sa sikat na comedy trio, ibinahagi rin nina Eat Bulaga hosts Jose Manalo, Wally Bayola, Ryan Agoncillo, Maine Mendoza, at Ryzza Mae Dizon ang mga nilu-look forward nila ngayong 2023.
Ayon kina Jose at Wally, nais lamang nila na matapos na ang pandemya at maging maayos na ang lahat para, anila, mas marami pang matulungan ang kanilang segment na "Juan For All, All For Juan."
"Para nang sa ganu'n mas maging [marami] pa 'yung mapuntahan naming barangay at mga dabarkads na pwede nating tulungan," sabi ni Jose.
Dagdag ni Wally, "Mawala na 'yung COVID para hindi lang 'yung urban, 'yung mga probinsya, 'yung mga city lang 'yung napupuntahan natin, kung hindi mapuntahan din natin 'yung mga island."
Looking forward naman si Ryan sa mas maraming oportunidad na makapag-travel kasama ang pamilya. Nais din ng host na magkaroon na ng mas maraming trabaho para sa lahat.
"Kasi, 'di ba maraming industry changes the past three years and maraming mga na-displace na workers so I hope that marami sa mga dabarkads natin, not only in the Philippines but all over the world... I hope they are able to find themselves a stable jobs already for 2023," sabi niya.
Para naman kay Maine, nais niyang muling "maka-survive" ngayong taon. "Every year actually iyon 'yung nilu-look forward ko. Alam n'yo na marami tayong mga stuggles in life, challenges. There are so many things to look forward to this 2023 and i-claim natin and i-manifest natin na good lahat 'yan, ipag-pray natin."
Isang "COVID free" na mundo naman ang nilu-look forward ni Ryzza Mae ngayong 2023.
KILALANIN ANG IBA PANG EAT BULAGA HOSTS SA GALLERY NA ITO: