GMA Logo carren eistrup
Source: Nherz Almo
What's on TV

Carren Eistrup, naiyak sa first day niya bilang 'Eat Bulaga' Dabarkads

By Nherz Almo
Published February 15, 2023 9:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump brands fentanyl a ‘weapon of mass destruction’ in drug war escalation
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

carren eistrup


“I was very disappointed with myself,” sabi ni Carren Eistrup tungkol sa unang araw niya bilang 'Eat Bulaga' host.

Sobrang saya raw ni Carren Eistrup nang opisyal na siyang sumalang sa Eat Bulaga (EB) bilang isang Dabarkads.

Si Carren ang itinanghal na panalo sa “Bida Next,” ang talent search segment ng longest-running noontime show para sa bagong legit Dabarkads.

“Sobrang happy po kasi this is like a once-in-a-lifestime opportunity kaya ko tinake ito. Yung journey ko sa 'Bida Next,' I was really serious with what I want to do kasi ang goal ko talaga is manalo,” sabi ng 14-year-old TV host sa GMANetwork.com at ibang entertainment media sa unang press conference niya noong Martes, February 14.

Bagamat punung-puno ng saya at excitement, inamin ng bagong EB host mula sa Cebu na umiyak siya sa unang araw niya bilang Dabarkads.

Kuwento niya, “Mayroong one time, first day ko sa Eat Bulaga, sa dressing room po umiyak ako kasi I was very disappointed with myself. Feeling ko that I didn't do great. Ano po kasi, parang hindi ako nakaabot sa mga expectations ng mga tao noong first day ko po kaya hindi ko po naano yung mga comments. They said to me na, 'Panoorin mo ang sarili mo TV so that malaman mo yung mga mali mo and which parts you can improve.'”

Kaugnay nito, kailangan daw niyang masanay sa pressure at making sa mga komento ng mga manonood.

Äni Carren, “Pressure din po taalaga siya, especially noong first day ko as Dabarkads. Kasi, ang gagaling talaga ng mga kasama ko. 'Di ba, ang tagal na po nila sa Eat Bulaga and I'm just starting. Pero 'yung adjustment, I think I'm doing better naman po every day. I'm very open naman po for more improvement. 'Yung expectations naman ng mga tao sa akin, I'm not taking it as a bad thing.”

Nagpapasalamat naman si Carren dahil inaalalayan siya ng mga kapwa niya Dabarkads.

Paglalahad niya, “Noong first day ko po, parang kinakabahan po ako kasi it's a new environment kasi nag-a-adjust pa po ako. Kaya tinulungan po nila ako by giving advice. Katulad po ni Ate Ryzza [Mae Dizon], parang sinabi niya na pwedeng mag-react, pwede ring kausapin ang mga writers kung pwede ba akong mag-adlib.”

Sabi pa niya tungkol sa mga dapat niyang i-improve, “I think, wala naman po akong problem in reading scripts sa hosting. But kasi nga, Tagalog siya, nahihirapan akong mag-isip ng adlib. Kasi, Eat Bulaga is more on adlib, so feeling ko yung ang [kailangang] i-improve ko. Pero for the past few days, nagagawa ko naman po, pero kailangan ko pa ring i-improve.”

Bukod sa pag-aaral pa nang husto sa pagsasalita ng Tagalog, kailangan din daw matutunan ni Carren na i-modulate ang kanyang boses dahil ito raw ang isa napansin ng mga kasamahan sa Eat Bulaga.

“They keep on teasing me with my voice. Kasi, sabi nga nila, ang pitchy ng voice ko. Hindi ko alam kung pitchy ang voice ko ngayon. Kasi, tumataas po ang boses kapag excited ako, as in sobrang excited, kaya ayaw kong panoorin yung grand finals performance ko kasi yung boses ko, 'Hello po!'

“I'm trying to change it. I'm trying to modulate kasi hindi na po ako bata, e. There are also some people na bakit daw yung boses ko parang sobrang bata. Akala ng ibang mga tao 18 na ako.”

Sa ngayon, kahit marami pa siyang dapat i-improve sa sarili, natutuwa si Carren na handing tumulong sa kanyang ang buong Eat Bulaga Dabarkads.

“Sobrang babait po ng mga co-host na kasama ko. They make me feel welcome,” sabi ni Carren.

Nang tanungin kung paano niya nalaman na welcome na siya sa Eat Bulaga family, pabiro niyang sinabi, “Kapag nakaupo na araw po ako doon sa mismong dining table ng hosts' room, belong na raw po ako as part of the EB Family. So, yun po, nakaupo na po ako doon at kumain na ako kanina.”

SAMANTALA, KILALANIN PA SI CARREN EISTRUP SA GALLERY NA ITO: