
Napuno ng kilig ang episode ng “Bawal Judgmental” sa Eat Bulaga kamakailan tampok ang ilang Pinay at kanilang foreigner na mga asawa.
Sa naturang episode, ang choices sa segment ay ang mga Pinay at foreigner couple na hindi nagkakilala sa online dating site o application.
Isa sa choices ay ang mag-asawang Belle at Noah. Si Belle ay tubong Sta. Ana, Manila habang si Noah naman ay mula pa sa Texas, U.S.A.
Ayon kay Belle, hindi gaya ng ilan, hindi sila nagkilala ni Noah sa dating app, bagkus ay una silang nagkita sa karinderya ng kanyang ina sa Maynila.
Kuwento ni Belle, kababalik lamang niya ng Pilipinas mula sa Singapore noon nang una silang magkita ni Noah dahil isinama ito ng kanyang pinsan upang magbakasyon sa bansa.
“Bale 'yung pinsan ko po, magkasama sila sa Texas sa work. Tapos nag-vacation sila ng pinsan ng pamangkin ko isinama siya para bumisita dito sa Pilipinas,” ani Belle.
Dagdag pa niya, “Ngayon nung time na 'yun 'yung auntie ko, dahil nga galing ako ng Singapore meron siyang kukunin lang sinama niya po [si Noah] dito sa Manila.”
Kuwento naman ni Noah, mabilis silang nag-click ni Belle kaya't nagustuhan niya ito.
“Her cousin invited me, I worked with him and we went to visit her and we just clicked,” ani Noah.
Sa ngayon ay limang taon nang kasal sina Belle at Noah at sinusubukan na rin nilang magkaroon ng anak ngayon.
Panoorin ang "Bawal Judgmental" episode:
Tumutok sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.
Bisitahin din ang GMANetwork.com at ang social media accounts ng Eat Bulaga para sa iba pang updates.
KILALANIN NAMAN ANG CELEBRITIES NA IKINASAL SA FOREIGNER SA GALLERY NA ITO: