GMA Logo Maine Mendoza
What's on TV

Maine Mendoza celebrates 28th birthday on 'Eat Bulaga'

By Jimboy Napoles
Published March 3, 2023 3:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Maine Mendoza


Happy birthday, dabarkads Maine Mendoza!

Masayang ipinagdiwang ng TV host-endorser na si Maine Mendoza ang kanyang 28th birthday sa longest-running noontime show sa bansa na Eat Bulaga ngayong Biyernes, March 3.

Sa opening ng episode ng naturang programa, isang dance number ang inihandog ni Maine kasama ang kanyang kapwa dabarkads hosts na sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Looking young and sexy rin si Maine suot ang kanyang hot pink sequin coord outfit. Nang patapos na ang kanilang production number, humabol naman ang Eat Bulaga OG host na si Vic Sotto upang makisayaw sa tatlo at batiin ang kanyang anak-anakan na rin na si Maine.

Matapos ito, iniabot na ni Jose at Wally ang kanilang regalong birthday cake para kay Maine. Agad naman na nag-wish dito ang birthday girl at nagpasalamat sa kanyang Eat Bulaga at APT family.

Nagbigay naman ng mensahe si Maine sa lahat ng sumusuporta sa kanya mula nang siya ay magsimulang maging artista hanggang sa maging isang sikat na celebrity.

Aniya, “Sa lahat ng patuloy na sumusuporta mula noon hanggang ngayon maraming maraming salamat po.”

Hindi naman nakalimutan ni Maine na pasalamatan din ang maraming mga kaiabigan nagpadala ng birthday cakes para sa kaniya.

Taong 2015 nang unang makilala si Maine sa segment ng Eat Bulaga na “Kalyeserye” bilang kasambahay na si Yaya Dub kung san ay ipinares siya sa noo'y host din ng noontime show na si Alden Richards. Ang kanilang tambalan ay tinawag na AlDub at naging hit phenomenal loveteam sa buong bansa at kinilla rin maging sa iba't iba pang mga bansa.

Samantala, tumutok sa Eat Bulaga, Lunes hanggang Biyernes, 12 p.m.; at tuwing Sabado, 11:30 a.m. sa GMA.

SILIPIN ANG HOTTEST PHOTOS NI MAINE MENDOZA SA GALLERY NA ITO: