Noong nakaraang linggo ay sumabak na sa Encantadia ang bagong cast kabilang na si Marx Topacio, ang boyfriend ni Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina.
Sa pagpasok ng karakter ni Marx na si Azulan, tila may mabubuong love team sa iconic telefantasya dahil siya ang makakatapat ni Sang'gre Pirena na ginagampanan ni Glaiza de Castro. Galing sa tribo ng mga Punjabwe si Azulan at hindi sila tumitingala sa mga babaeng pinuno, isang bagay na ikinagagalit ni Pirena.
#AzPiren: Bagong love team sa 'Encantadia?'
Tulad ng Encantadiks, isa rin si Maxine sa mga boto sa tambalang AzPiren at kitang-kita sa kanya ang excitement sa pagkakabilang ng nobyo sa telefantasya. Aniya, "I'm very very proud him. Pag-igihan mo 'yan," bahagi niya sa ulat ni Cata Tibayan sa 24 Oras.
WATCH: Maxine Medina, ikinatuwa ang pagiging kabilang ng BF na si Marx Topacio sa 'Encantadia'
Panoorin ang kabuuan ng 24 Oras report.
Ngayong gabi, makakahanap na ng katapat si Pirena dahil papalag na si Azulan. Abangan ang eksenang 'yan sa Encantadia pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
MORE ON 'ENCANTADIA':
Encantadia Teaser Ep. 169: "Sa susunod na sampalin mo 'ko, hahalikan kita" - Azulan
#GirlPower: 'Encantadia' Sang'gres celebrate International Women's Day
WATCH: What you've missed from Encantadia's episode on March 8
Photos by: @maxine_medina(IG)