
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.
Sa June 4 (Huwebes) episode nito, nakarating na rin si Lira (Mikee Quintos) sa Encantadia salamat sa tulong ng Mulawin na si Lakan (Alden Richards). Ayon sa propesiya ni Cassiopea (Solenn Heussaff), si Lira raw ang nakatadhanang magbalik ng kapayapaan sa kanilang mundo.
Samantala, lulusubin naman ng mga Hathor ang kampo nina Amihan (Kylie Padilla). Muling magtatagpo sina Amihan at Pirena (Glaiza De Castro) upang tapusin ang kanilang away.
Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video below:
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.