
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.
Sa July 6 (Lunes) episode nito, humihingi ng tulong si Pirena (Glaiza De Castro) sa mga kapatid niyang sina Amihan (Kylie Padilla) at Danaya (Sanya Lopez) upang mapabagsak si Hagorn (John Arcilla).
Gayunpaman, hindi siya pagkakatiwalaan nina Amihan at Danaya sapagka't pinagtaksilan na sila ni Pirena noon. Mapipilitan si Pirena na magmakaawa sa kaniyang mga kapatid upang magkampikampi na sila laban kay Hagorn.
Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video below:
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.