TV

Pagdadalang tao ni LilaSari | Ep. 102

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa August 11 (Martes) episode nito, matagumpay na nabawi ng mga diwata ang Lireo mula kay Hagorn (John Arcilla) sa tulong na rin ni LilaSari (Diana Zubiri) na tinraydor ang Hari ng mga Hathor.

Ngayong laya na si LilaSari mula kay Hagorn at hawak niya na rin ang Brilyante ng Tubig, ikakagulat na lang ng diwata na dinadala niya na pala ang magiging anak nila ni Hagorn.

Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video sa itaas.

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.