
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.
Sa August 18 (Martes) episode nito, hindi nagpatinag si Sang'gre Alena (Gabbi Garcia) sa kaniyang kagustuhang mabawi ang Brilyante ng Tubig mula kay LilaSari (Diana Zubiri).
Dahil sa kagustuhan ni Alena na mabawi ang Brilyante, pagbabantaan niya ang bagong silang na sanggol ni LilaSari para lang makuha ang kaniyang nais.
Muling balikan ang full-episode ng Encantadia sa video sa itaas.
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.