
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.
Sa August 26 (Miyerkules) episode nito, nagtungo si Lira (Mikee Quintos) patungong Devas upang tuluyan nang mabura ang sumpa sa kaniya ng Bathalumang Ether at maalala na muli siya ng kaniyang ina na si Amihan (Kylie Padilla).
Sasamahan siya nina Wantuk (Buboy Villar) at Wahid (Andre Paras) ngunit hindi magiging madali ang kanilang paglalakbay.
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.