
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Telebabad.
Sa August 28 (Biyernes) episode nito, sumugod sina Sang'gre Amihan (Kylie Padilla) at Danaya (Sanya Lopez) sa Sapiro upang bawiin ito mula kay Pirena (Glaiza De Castro).
Samantala, ginamit naman ni Hagorn (John Arcilla) ang pagkakataong ito para lusubin ang Lireo ngayong kasalukuyang wala ang mga Sang'gre.
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Telebabad, pagkatapos ng 24 Oras.