TV

Paghahanap ni Hagorn kay LilaSari | Ep. 122

By Felix Ilaya

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa September 8 (Martes) episode nito, nabihag ni Hagorn (John Arcilla) sina Ybrahim (Ruru Madrid) at Pirena (Glaiza De Castro) nang sugurin nila ang Sapiro.

Pagdating nina Amihan (Kylie Padilla) at Danaya (Sanya Lopez) sa Sapiro upang iligtas ang dalawa, ipinaliwanag ni Hagorn na papalayain niya lamang ang kaniyang mga bihag kung ibubunyag nila ang kinaroroonan ni LilaSari (Diana Zubiri) at ng kanilang anak.

Bubuo si Amihan ng konseho sa Lireo upang tulungan siyang magdesisyon kung dapat ba niyang pagtaksilan si LilaSari kapalit ng buhay nina Ybrahim at Pirena.

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.