What's on TV

Pagbabalik ng kaluluwa ni Amihan sa Encantadia | Ep. 159

By Felix Ilaya
Published October 30, 2020 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PCG monitors nearly 125k passengers in ports on Maundy Thursday
Glaiza de Castro shares story behind her pad paper barong
Church clarifies Holy Week beliefs, urges focus on faith

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia


Balikan ang mga nangyari sa rerun ng 'Encantadia' nitong Huwebes, October 29.

Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.

Sa October 29 (Huwebes) episode nito, batid ni Amihan (Kylie Padilla) na kinakailangan siyang muli sa Encantadia dahil nagbabadya na naman ang puwersa ng kasamaan.

Para siya'y makabalik dito, pupunta ang yumaong reyna sa Maalamat na Puno ng Buhay upang pumitas at kumain sa isa sa mga prutas nito. Ang bawat prutas ng punong ito ay sumisimbolo sa mga diwatang mabubuhay pa lamang at malapit nang mamatay.

Base sa prutas na kaniyang napili, ito ang magiging sisidlan ng Ivtre ni Amihan at siyang magiging kaniyang reinkarnasyon.

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.