
Sa November 3 (Martes) episode ng award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime, sumugod ang mga Sang'gre na sina Lira (Mikee Quintos) at Mira (Kate Valdez) sa kaharian ng Etheria upang mapatunayan nilang sila ay karapadapat na tagapangalaga ng mga Brilyante.
Habang nasa Etheria, makakaharap nila si Reyna Avria (Eula Valdez) na agad silang magagapi. Bago sila tuluyang masugpo ng Reyna, darating si Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro) upang iligtas ang dalawang batang diwata.
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.
Panoorin ang maiinit na tagpong ito sa video sa itaas. Maaari n'yo ring mapanood ito DITO.