
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.
Sa November 5 (Huwebes) episode nito, nakabalik na ang batang ligaw na si Paopao (Phytos Ramirez) sa mundo ng Encantadia ngayong isa na siya sa mga bagong tagapangalaga ng mga Brilyante.
Sa kaniyang paglalakbay, masasaksihan niya ang tangkang pagpaslang ni Avria (Eula Valdez) kay Lira (Mikee Quintos) kaya't susubukan niyang iligtas ito. Dito na muling makakapiling ni Paopao ang mga kaibigan niyang diwata matapos lumipas ang matagal na panahon.
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.