
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Primetime.
Sa November 9 (Lunes) episode nito, nag-iinit ang dugo ni Pirena (Glaiza De Castro) sa mga Punjabwe na sina Ariana (Arra San Agustin) at Azulan (Marx Topacio) sapagka't hindi siya naniniwala na karapatdapat si Ariana na maging tagapangalaga ng Brilyante ng Hangin.
Dagdag rin sa inis ni Pirena ang pagmamaliit sa kaniya ni Azulan dahil siya raw ay isang diwata at babae. Dahil dito, hahamunin niya si Azulan sa isang duelo upang mapatunayan ang kaniyang kakayahan.
Nahanap na kaya ni Pirena ang kaniyang katapat kay Azulan?
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.