What's on TV

Nagbabadyang giyera ng Encantadia laban sa Etheria | Ep. 183

By Felix Ilaya
Published December 3, 2020 1:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Several areas in Mindanao suspend classes due to #BasyangPH
C5 road repairs to begin before rainy season, DPWH says
78,491 bloodbag, nakolekta sa 30 taong bloodletting ng GMAKF at Phl Red Cross

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Episode 183


Balikan ang mga nangyari sa 'Encantadia' nitong Miyerkules, December 2.

Sa December 2 (Miyerkules) episode ng award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Telebabad, naghahanap ng hustisya sina Pirena (Glaiza De Castro) at Ybrahim (Ruru Madrid) para sa pagkamatay ng mga anak nilang sina Mira (Kate Valdez) at Lira (Mikee Quintos) sa kamay ng mga Etherian.

Dahil dito, titipunin nila ang kanilang mga pwersa sa Hathoria at Sapiro upang gantihan ang Etheria.

Ngunit hindi lang pala sila ang naghahanda para sa nagbabadyang giyera.

Gamit ang kapangyarihan ng tatlong Brilyante, ipapatawag ni Avria (Eula Valdez) ang kaniyang mga kawal noong sinaunang panahon at dadalhin sa kasalukuyan.

'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Telebabad, pagkatapos ng 24 Oras.

Panoorin ang maaakysong tagpo sa Encantadia sa video sa itaas. Maaari n'yo ring mapanood ito DITO.