
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Telebabad.
Sa December 4 (Biyernes) episode nito, nang matalo ng mga diwata si Hagorn (John Arcilla) ilang taon na ang nakalipas, ikinulong nila ito sa isang lihim na piitan upang pagbayaran ang kaniyang kasalanan.
Ngayon, upang masiguro ang kaniyang pagkapanalo laban sa mga diwata, papakawalan ni Avria (Eula Valdez) ang dating Hari ng mga Hathor na dadagdag sa mga kalaban ng Lireo.
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Telebabad, pagkatapos ng 24 Oras.