
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Telebabad.
Noong nakaraang linggo, nagharap sina Pirena (Glaiza De Castro) at Avria (Eula Valdez) para sa kanilang huling kumprontasyon. Sa simula ay nagtatagumpay si Avria sa kanilang laban ngunit mababaligtad ang sitwasyon sa pagdating ni Hagorn (John Arcilla).
Gamit ang Ginintuang Orasan, pinilit ni Hagorn ang Reyna ng Etheria na isuko ang mga Brilyante ng Tubig at Diwa na hawak nito. Nang gawin ni Avria ang kaniyang nais, dali-dali nitong winakasan ang buhay ng reyna.
Ngayong hawak na muli ni Hagorn ang kapangyarihan ng mga Brilyante, malaya na siyang muling maghasik ng lagim sa Encantadia.
Panoorin ang highlights ng Encantadia:
Pagpaslang ni Hagorn kay Avria
Pagkabigo ni Pirena na buhayin si Mira
Muling paghahasik ng lagim ni Hagorn
Paglambot ng pusong bato ni Pirena para kay Azulan
Nakaw na halik ni Ariana kay Ybrahim
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Telebabad, pagkatapos ng 24 Oras.