
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Telebabad.
Noong nakaraang linggo, muling naghasik ng lagim si Hagorn (John Arcilla) sa Encantadia gamit ang mga Brilyante ng Hangin at Diwa.
Upang mas lalong palakasin ang mga kampon ni Hagorn, binuhay ni Bathalumang Ether ang dating Reyna ng Lireo na si Minea (Marian Rivera) para maging kanilang sandata laban sa mga diwata.
Hindi handa ang mga Sang'gre na sina Pirena (Glaiza De Castro), Alena (Gabbi Garcia), at Danaya (Sanya Lopez) na makaharap ang kanilang yumaong ina sa digmaan.
Panoorin ang highlights ng Encantadia:
Pagwasak ni Hagorn sa Sapiro
Ang bagong sandata ni Hagorn
Paghaharap nina Pirena, Alena, at Danaya laban kay Minea
Pakikiusap ng mga Sang'gre kay Minea
Pagyakap ni LilaSari sa kaniyang anak na si Deshna
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Telebabad, pagkatapos ng 24 Oras.