
Kasalukuyang nagre-rerun ang award-winning Kapuso telefantasya na Encantadia sa GMA Telebabad.
Noong nakaraang linggo, nagbalik na ang mga alaala ni Minea (Marian Rivera) at muli niyang nakilala ang mga anak niyang Sang'gre na sina Pirena (Glaiza De Castro), Alena (Gabbi Garcia), at Danaya (Sanya Lopez). Nagawa rin ng dating Reyna na tanggalin ang salamangkang ginamit sa kaniya para makabalik ng Devas.
Ngunit hindi dito nagtatapos ang panlilinlang ng mga masasamang Bathala. Dahil sa ginawa ni Minea, binuhay naman ngayon ng Bathalang Arde sina Lira (Mikee Quintos) at Mira (Kate Valdez) at siyang ibinigay kay Hagorn (John Arcilla) upang gawing bihag.
Ngayon ay hinihingi ni Hagorn ang mga Brilyante na hawak ng mga diwata kapalit ng buhay ng dalawang batang Sang'gre.
Panoorin ang highlights ng Encantadia:
Muling paglusob ni Hagorn sa Lireo
Pagsuway ni Minea kay Hagorn
Pagbabalik ng mga alaala ni Minea
Pagkabuhay nina Lira at Mira
Brilyante, kapalit kina Lira at Mira
'Wag palampasin ang bawat tagpo sa Encantadia, gabi-gabi sa GMA Telebabad, pagkatapos ng 24 Oras.