
Marami ang na-excite sa inilabas na teaser ng Encantadia Chronicles: Sanggre noong Biyernes, April 4 kung saan ipinasilip ang pagbabalik nina Glaiza de Castro bilang Pirena, Sanya Lopez bilang Danaya, Kylie Padilla bilang Amihan, at Gabbi Garcia bilang Alena.
Ayon kay Glaiza, maging siya ay na-excite na makita ang reunion ng 2016 Sang'gres sa teaser.
Sa interview kay Nelson Canlas ng 24 Oras, ibinahagi ni Glaiza ang dapat na abangan ng fans sa pagbabalik niya bilang Pirena sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.
"Kung ano 'yung magiging destiny ni Pirena kasi coming from before na talagang selfish siya and gusto niya talaga na maging queen ng Encantadia. Ngayon ba 'yun pa rin 'yung gusto niya? O gusto niya na maging mabuting Ashti o maging mabuting Sang'gre para sa mga bagong Sang'gre," sabi ni Glaiza.
Makakasama rin ni Glaiza sa iconic GMA series si Rhian Ramos, na gaganap bilang ang ice queen na si Mitena, ang isinumpang kakambal ni Cassiopea na lulusob at gugulo sa mundo ng Encantadia.
Pagbibidahan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre ng new-gen Sang'gres na sina Bianca Umali bilang Terra, Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, at Angel Guardian bilang Deia.
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre soon sa GMA Prime.
SAMANTALA, TINGNAN ANG BEHIND-THE-SCENES NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE TEASER SA GALLERY NA ITO: