
May treat ang Encantadia Chronicles: Sang'gre sa mga Encantadiks at nag-aabang sa pagdating ng iconic series.
Ngayong Biyernes (May 9), naglabas ng patikim ang Sang'gre kung saan may sighting na nagkaroon ng "snow sa EDSA."
@encantadia May snow sa EDSA? 😱 Paparating na talaga sila! #Sanggre #Encantadia #EncantadiaChroniclesSanggre ♬ original sound - Encantadia: Sang'gre
Agad naman itong umani ng libo-libong reaksyon at nakatutuwang mga komento mula sa netizens.
Bukod dito, naglabas din ang Sang'gre ng silhouette ng ice queen na si Mitena, na gagampanan ni Rhian Ramos. Si Mitena ang isinumpang kakambal ni Cassiopea na lulusob at gugulo sa mundo ng Encantadia.
@encantadia Mitena is coming! #Sanggre #Encantadia #EncantadiaChronicles #Mitena ♬ original sound - Encantadia: Sang'gre
Bibida sa Encantadia Chronicles: Sang'gre ang new-gen Sang'gres na sina Bianca Umali bilang Terra, Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, at Angel Guardian bilang Deia.
Magbabalik din sa Sang'gre ang Encantadia 2016 actors na sina Glaiza De Castro bilang Pirena, Sanya Lopez bilang Danaya, Gabbi Garcia bilang Alena, at Kylie Padilla bilang Amihan.
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre soon sa GMA Prime.
Panoorin ang teaser ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa video na ito:
SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA EKSENANG IPINASILIP SA BAGONG TEASER NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: