GMA Logo Rhian Ramos
What's on TV

Rhian Ramos, may pinakamaraming costumes sa 'Sang'gre'

By Aimee Anoc
Published May 13, 2025 4:38 PM PHT
Updated May 16, 2025 12:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rhian Ramos


"I have so many costumes here. Nu'ng tinanong ko, 'Ganito ba talaga usually?' Sabi nila, 'Hindi. Sa buong history ng 'Encantadia' ikaw 'yung pinakamarami naming ginawan ng costume.'" - Rhian Ramos

Sobrang exciting para kay Rhian Ramos na bigyang buhay ang ice queen na si Mitena sa Encantadia Chronicles: Sang'gre. Si Mitena ang isinumpang kakambal ni Cassiopea na lulusob at gugulo sa mundo ng Encantadia.

Ayon kay Rhian, bago pa man niya mabasa ang script ay sobrang na-excite na siya dahil matagal na nang huli siyang gumawa ng isang fantasy series.

"Sobra akong na-excite," sabi ni Rhian. "Una, ang tagal ko nang hindi gumawa ng isang fantaserye. Pangalawa, I always feel like the bad guys have more fun, so I was excited to play a role like this.

"And by the time na nabasa ko na 'yung script at nalaman ko 'yung kuwento ni Mitena mismo, sabi ko, 'Wow! Sobrang ganda naman pala ng kuwento na 'to--ang lalim, ang emosyonal. Talagang pinag-isipan 'yung backstory. Para sa akin, naintindihan ko siya agad. I was even more excited to play the role," dagdag niya.

Ikinuwento rin ni Rhian na siya ang may pinakamaraming costumes sa Sang'gre.

"I have so many costumes here. Nu'ng tinanong ko, 'Ganito ba talaga usually?' Sabi nila, 'Hindi. Sa buong history ng Encantadia ikaw 'yung pinakamarami naming ginawan ng costume.'

"Pinag-isipan talaga ang bawat detalye ng set, ng costume, ng character, nung mga kuwento. Alam mo 'yun, it's really creating a whole new world," pagbabahagi ng aktres.

Panoorin ang buong interview ni Rhian Ramos tungkol sa kanyang karakter na si Mitena sa exclusive video na ito:

Bibida sa Encantadia Chronicles: Sang'gre ang new-gen Sang'gres na sina Bianca Umali bilang Terra, Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, at Angel Guardian bilang Deia.

Magbabalik din sa Sang'gre ang Encantadia 2016 actors na sina Glaiza De Castro bilang Pirena, Sanya Lopez bilang Danaya, Gabbi Garcia bilang Alena, at Kylie Padilla bilang Amihan.

Panoorin ang teaser ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa video na ito:

Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre soon sa GMA Prime.

SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA EKSENANG IPINASILIP SA BAGONG TEASER NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: