
Matapos ilabas ang teaser ni Sang'gre Terra noong Huwebes (May 15), inilabas na rin ng Encantadia Chronicles: Sang'gre ang pasilip para kay Sang'gre Flamarra na gagampanan ni Faith Da Silva.
Mainit at puno ng action scenes ang 30-second teaser na inilabas kay Sang'gre Flamarra kung saan makikita ang pangunguna nito sa digmaan, at ang pagpapakilala sa kanya bilang bagong tagapangalaga ng Brilyante ng Apoy.
Napuno naman ng papuri ang netizens sa husay ni Faith Da Silva at sa "maaangas" na eksenang ipinakita.
Makakasama ni Faith Da Silva sa Encantadia Chronicles: Sang'gre ang bagong henerasyon ng mga Sang'gre sina Bianca Umali bilang Terra, Kelvin Miranda bilang Adamus, at Angel Guardian bilang Deia.
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong Hunyo sa GMA Prime.
TINGNAN ANG RED OUTFITS NI FAITH DA SILVA SA GALLERY NA ITO: