
Agaw-pansin sa pinakabagong teaser ng Encantadia Chronicles: Sang'gre ang Pinoy Big Brother housemate na si Mika Salamanca.
Base sa ilang detalye na inilabas ng GMA Entertainment Group, gaganap si Mika bilang isang shapeshifting owl sa higanteng telefantasya series.
Kaya naman tumitindi ang excitement ng fans at Encantadiks sa nalalapit na world premiere ng Sang'gre na mangyayari sa June 16.
Bibida sa GMA Prime series sina Bianca Umali bilang Terra, Angel Guardian bilang Deia, Faith da Silva bilang Flamarra, at Kelvin Miranda bilang Adamus.
RELATED CONTENT: Meet 'PBB Celebrity Collab' housemate Mika Salamanca