
Excited at hindi na makapaghintay ang maraming netizens at Encantadiks sa pagsisimula ng Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong June 16.
Dumagdag sa kanilang excitement nang ilabas na ang opisyal na trailer ng Sang'gre noong Lunes, June 9.
Sa two-minute trailer, ipinasilip ang malaking digmaang magaganap sa Encantadia.
Ipinakita rin ang ilan sa kaabang-abang na eksena ng 2016 Sang'gres na sina Glaiza de Castro bilang Pirena, Gabbi Garcia bilang Alena, Sanya Lopez bilang Danaya, at Kylie Padilla bilang Amihan. Gayundin, ang pagbabalik nina Solenn Heussaff bilang Cassiopea, Mikee Quintos bilang Lira, at Kate Valdez bilang Mira.
Ipinasilip din ang mga karakter na gagampanan nina Michelle Dee, Wendell Ramos, Manilyn Reynes, Gabby Eigenmann, at Shuvee Etrata.
Kapana-panabik din ang makapanindig balahibong action scenes nina Rhian Ramos bilang Mitena at ng apat na bagong henerasyon ng mga Sang'gre na sina Bianca Umali bilang Terra, Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, at Angel Guardian bilang Deia.
Panoorin ang official trailer ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa video na ito:
Abangan ang world premiere ng Encantadia Chronicles: Sang'gre ngayong June 16, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
SAMANTALA, TINGNAN ANG NAGANAP NA MEDIA CONFERENCE NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: