
Aminado si Julie Anne San Jose na hindi naging madali para sa kanya ang pagkanta niya ng "Bagong Tadhana," ang theme song ng bagong telefantasya na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
"Kasi, may ibang language, e, yung Enchan," sabi ni Julie Anne nang makapanayam siya ng GMA News reporter na si Lhar Santiago sa ginanap na World Gin Day Celebration ng Ginebra San Miguel noong Martes, June 6, sa Diamond Hotel sa Manila.
Tinanong ng co-actress niya sa Slay na si Mikee Quintos kung naintindihan mo yung Enchan?
Sagot ng singer-actress, "Medyo naiintidihan ko. I mean, I kinda assume kung ano yung meaning. Ewan ko, nag-depend lang din ako doon sa mga stanza sa Tagalog. So, parang I assumed na siguro yun ang meaning nung mga yun."
Gayunman, sabi ni Julie Anne, "I'm very, very happy kasi in some way kasama ako sa Encantadia.
Panoorin ang music video ng "Bagong Tadhana" rito:
Samantala, tingnan ang mga kaganapan sa Encantadia Chronicles: Sang'gre grand media conference dito: