GMA Logo Sang'gre
What's on TV

New Gen Sang'gres share the most challenging part in their roles

By Bianca Geli
Published June 16, 2025 6:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Celebrity breakups that shocked the nation in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

Sang'gre


Ibinahagi ng New Gen Sang'gres ang pinaka-challenging na parte sa mga role nila!

Isa-isa namang binaggit nina Kelvin Miranda, Faith Da Silva, Angel Guardian, at Bianca Umali kung ano para sa kanila ang pinakamahirap na parte bilang mga bagong tagapangalaga ng brilyante sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Sa All-Out Sundays, naikuwento ng cast ang kanilang mga karanasan at pinagdaanan para sa programa.

Matapos ipakilala ang bagong henerasyon ng mga tagapangalaga ng brilyante, ibinahagi ng New Gen Sang'gres ang kanilang mga karanasan at mga pinagdaanang hamon sa likod ng paggawa ng isang napakalaking proyekto. Sa bawat karakter na kanilang ginampanan, may kanya-kanya silang hirap na kinaharap--mula sa pisikal na preparasyon hanggang sa emosyonal na pressure ng pagiging bahagi ng isang inaabangang serye.

Para kay Kelvin Miranda na gumanap bilang Adamus, malaking hamon ang pagiging consistent sa bawat eksena. Aniya, “Challenging talaga dito para sa amin is consistency, kasi lahat naman ng mga sequences mahihirap talaga. So kailangan mo lang mag-commit, magtiwala sa sarili mo, sa mga kasama mo sa eksena para mag-work. Hindi kasi pwedeng sarili mo lang iniisip mo sa ginagawa mo.” Bukod dito, ibinahagi rin niya ang hirap ng pagpapanatili ng kanilang pangangatawan para bumagay sa kanilang mga costume.

“'Yung physique namin siyempre kailangan namin i-maintain, isa 'yun sa pinakamahirap para sa amin kasi 'yung mga costume namin hindi siya biro so kailangan talaga ng matinding disiplina para sa ikabubuti ng show.”

Samantala, para kay Faith Da Silva na gumanap bilang Flamarra, mahalaga ang panahon at propesyonalismo sa kanilang trabaho. “Talagang naggugol kami ng mahabang panahon, at mga propesyunal po talaga mga kasama namin sa Sang'gre. Bukod sa maisagawa namin siya ng maayos at maganda, kailangan ligtas ang lahat para maging maayos 'yung show sa mga susunod pa namin na taping,” ani Faith. Nagpasalamat din siya sa kanyang mga co-Sang'gres dahil sa kanilang tiwala sa isa't isa. “May mga nasaktan, at ako 'yung nakasakit. Pero tiwala kami sa isa't isa, kaming mga Sang'gre, at sa mga staff and crew ng show na ito.”

Para naman kay Angel Guardian bilang Deia, pinakamahirap para sa kanya ang kanyang unang fight scene dahil sa pressure at kaba. “Iba-iba kasi 'yung mga fight scenes every time. Halos lahat mahirap for me. Pero kung sasagutin ko 'yung tanong na ano 'yung pinakamahirap, siguro 'yung pinaka-first fight scene ko. Kasi nasamahan ng pressure, 'yung kaba, lalo na kapag nilamon ka ng utak mo, mahihirapan ka talaga,” pagbabahagi niya. Sa kabila nito, sinabi rin niyang gumaan ang lahat dahil sa suporta ng kanyang mga katrabaho: “Just like what Faith said, dahil sa mga katrabaho mo, dumadali. So, thank you guys.”

Si Bianca Umali naman, na gumanap bilang Terra, ay nagbahagi ng isa pang aspeto ng hirap--ang mga bagay na hindi nakikita sa kamera. “Outside of shooting the sequences in front of the camera, ang pinakamahirap talaga is 'yung off-cam work. 'Yung preparation, fight trainings, consistency of keeping your body healthy, and also coordinating with the people around you,” aniya. Dagdag pa niya, “Kasi hindi madali, taon po ang ginugol namin para mabuo ang proyektong ito, at sa wakas eera na po ito.”

Encantadia Chronicles: Sang'gre, mapapanood na ngayong June 16, 8 p.m. sa GMA Prime!

BALIKAN ANG SANG'GRE MEDIACON: