GMA Logo Encantadia Chronicles Sanggre world premiere trending
What's on TV

'Encantadia Chronicles: Sang'gre' world premiere, nag-trend online

By Aimee Anoc
Published June 17, 2025 11:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Basketball Tournament - December 5, 2025 | NCAA Season 101
#WilmaPH maintains strength east of Borongan City, E. Samar
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles Sanggre world premiere trending


Mga Kapuso at Encantadiks, maraming salamat sa nag-aalab na suporta sa pagsisimula ng 'Encantadia Chronicles: Sang'gre.'

Mainit na inabangan ng manonood ang world premiere ng superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Sa pagsisimula ng Sang'gre sa GMA Prime noong Lunes, July 16, agad itong pinag-usapan at nag-trend sa X (dating Twitter) ang hashtag na "SanggreWorldPremiere," na nanguna sa Philippine trends.

Nag-trend din sa X ang "Ivo Live Amihan," "Mitena," "Rhian Ramos," at "SHUVEE BILANG VESHDITA."

Napanood sa pilot episode ang pagbabalik ng 2016 Sang'gres na sina Glaiza de Castro bilang Pirena, Sanya Lopez bilang Danaya, Gabbi Garcia bilang Alena, at Kylie Padilla bilang Amihan. Lumabas na rin ang Ice Queen na si Mitena, na ginagampanan ni Rhian Ramos.

Puno ng papuri sa Sang'gre ang posts ng netizens sa X at ipinarating din nila ang kasiyahan na muling makita nang magkakasama ang apat na 2016 Sang'gres. Gayundin, humanga ang marami sa visual at effects.

Patuloy na subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.

Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

KILALANIN ANG CAST NG ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE SA GALLERY NA ITO: