GMA Logo Cassiopea at Cassandra
What's on TV

'Sang'gre' characters Cassiopea at Cassandra, umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens

By Kristine Kang
Published June 18, 2025 11:58 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Cassiopea at Cassandra


Ipinakilala na si Hara Cassandra at ang kanyang mahalagang papel sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre.'

Unti-unti nang inilalahad ang mga kwento sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Sa ikalawang episode ng telefantasya, ipinakilala na sa mga manonood ang mga iba pang bagong karakter sa mahiwagang mundo ng Encantadia.

Isa na rito ang bagong Hara ng Lireo na si Cassandra (Michelle Dee) at ang kanyang mahalagang papel sa panibagong yugto.

Sa episode ding ito, nalaman na ng mga Kapuso ang dahilan kung bakit ipinadala ni Cassandra ang pamilya ni Danaya sa mundo ng mga tao. Ito ay ayon sa utos ito ni Cassiopea (Solenn Heussaff) matapos niyang makita sa kanyang pangitain ang propesiya tungkol sa tagapagligtas na si Terra (Bianca Umali).

Umani ng iba't ibang reaksyon ang eksenang ito mula sa netizens. Agad ding nag-trending sa X (dating Twitter) si Cassandra at pinag-usapan ang twist ng kanyang istorya sa ibang social media platforms.

May ilang fans na tila nainis sa naging desisyon ng dalawang karakter. Habang ang iba nama'y naawa sa bigat ng sakripisyong kanilang ginawa para sa kapakanan ng mundo ng Encantadia.

Tingnan ang ilan sa mga komento ng netizens tungkol sa dalawang karakter:

Patuloy na subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.

Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Samantala, balikan ang ikalawang episode ng Encantadia Chronicles: Sang'gre, dito: