GMA Logo Kelvin Miranda, Daisy Miranda
Photo by: Gerlyn Mae Mariano, Kelvin Manalili Miranda
What's on TV

Ina ni Kelvin Miranda, proud na napabilang ang anak sa 'Sang'gre'

By Kristine Kang
Published June 19, 2025 12:10 PM PHT
Updated June 19, 2025 2:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

16k cybercrimes logged since 2024 due to Pinoys' increased awareness – CICC
Travelers flock at terminals on Christmas Eve
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda, Daisy Miranda


Labis ang tuwa at pasasalamat ni Mommy Daisy sa mga biyayang natatanggap ni Kelvin Miranda.

Isa sa mga pinakamasarap na pakiramdam para sa isang magulang ay ang makita ang anak na lumalaki nang maayos at nakakamit ang tagumpay sa buhay.

Para kay Mommy Daisy, labis ang kanyang kasiyahan sa mga biyayang natatanggap ngayon ng kanyang anak na si Kelvin Miranda. Lalo na bahagi rin ang Kapuso star sa pinakamalaking GMA superserye ngayong taon, ang Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Sa naging panayam niya sa Unang Hirit, hindi napigilan ni Mommy Daisy ang kanyang tuwa sa bagong milestone ni Kelvin.

"Tuwang-tuwa. Napasigaw ako," ani Mommy Daisy.

"Syempre, kumbaga malaking project 'yan ng GMA kaya tuwang-tuwa kami na isa siya sa mga napili."

Puno ng pagmamalaki ang ina habang napapanood na ngayon si Kelvin sa kanyang biggest role na si Sang'gre Adamus. Ayon sa kanya, batid niyang matagal pinangarap at pinaghirapan ito ng anak sa loob ng ilang taon sa showbiz.

Ibinahagi rin ni Mommy Daisy kung gaano ka-dedicated si Kelvin sa paghahanda sa kanyang karakter. mula sa intense workouts hanggang sa mahigpit na diet plan.

"Kailangan 'yung energy niya kakayanin niya," kuwento niya.

Sa kabila ng hirap, labis pa rin ang pasasalamat ni Mommy Daisy sa tiwalang ibinigay ng GMA sa kanyang anak.

"Tuwang-tuwa nga kami dahil biro mo, iyan din 'yung minimithi ng marami [tapos] siya [ang isa sa mga] binigyan ng break ng GMA," dagdag niya.

"Sobrang natutuwa at nagpapasalamat sa GMA. Binigyan nila ng pagkakataon si Kelvin na mapasama sa Sang'gre."

Mapapanood ang Encantadia Chronicles: Sang'gre tuwing 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV. Available din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Samantala, tingnan ang stylish photos ni Kelvin Miranda sa gallery na ito: