
Bakas sa mukha ni Bianca Umali ang saya nang ikuwento niya sa 24 Oras nang makita niya ang karakter niya bilang Terra na hawak ang Brilyante ng Lupa.
Natapos na ang misyon ng mga Sangˈgre sa Devas at nanumbalik na ang kapangyarihan ng mga Brilyante, matapos magdesisyon ang mga sinaunang Kambal Diwa na bumalik uli sa loob ng mga Brilyante.
Ayon kay Bianca sa panayam ni Aubrey Carampel para sa Chika Minute, hindi siya makapaniwala nang mapanood niya si Terra na hawak na ang Brilyante, “Kahit ako mismo Ate Aubrey siguro masasabi ko na ang tagal ko hinintay na mapanood 'yung sarili ko na hawak ko 'yung Brilyante.
“Ang sarap!” Pagpapatuloy ng Sparkle actress, “Ito 'yung sinasabi ko na adventure time na, kasi ito yung talaga pinakahihintay ng mga tao na makita. At based on the feedback po ng mga tao, nagpapasalamat kami Ate na kung paano 'yung suporta nila sa amin. Ang sarap po sa puso,e. Nakakagana lalo magtrabaho and tagal namin hinintay 'to.”
Mas lalo rin dapat abangan ng fans ang magiging pagsasanay nila Terra, Flamarra (Faith da Silva), Adamus (Kelvin Miranda) at Deia (Angel Guardian) sa kamay ni Ashti Pirena (Glaiza De Castro).
“Ito ang mga kalaban na kasama sa pagsubok sa amin ni Ashti Pirena (Glaiza De Castro). Parte siya ng pagsasanay namin na matutunan namin kung paano namin magagamit ang mga Brilyante namin. Kung paano namin magagamit 'yung mga elemento namin. At higit sa lahat kung paano kami magkakaisa para talunin 'yung mga kalaban,” saad ni Bianca.
“Unti-unti na kasi napapalapit kung ano 'yung itinakda.”
Huwag papahuli sa panonood ng Sangˈgre sa GMA Prime, pagkatapos ng 24 Oras.
RELATED CONTENT: Bianca Umali's transformation