GMA Logo  sanggre teaser
What's on TV

Sang'gre: Pagsasanib-puwersa ng mga Brilyante para sa huling laban kay Mitena!

By Aimee Anoc
Published November 17, 2025 4:00 PM PHT
Updated November 17, 2025 4:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

 sanggre teaser


Ito na ang huling sagupaan ng mga Sang'gre laban kay Mitena!

Tatapusin na ni Terra ang laban kay Mitena!

Sa teaser na inilabas ng Sang'gre, patuloy ang pakikipaglaban nina Flamarra (Faith Da Silva), Deia (Angel Guardian), at Adamus (Kelvin Miranda) sa mga Mine-a-ve. Tumulong na rin sina Alena (Gabbi Garcia), Armea (Ysabel Ortega), Danaya (Sanya Lopez), at Cassiopea (Solenn Heussaff) sa nagaganap na digmaan sa mundo ng mga tao.

Handa na rin si Terra (Bianca Umali) na tapusin ang laban kay Mitena (Rhian Ramos). Dito na ibinigay nina Adamus, Flamarra, at Deia ang kanilang mga Brilyante kay Terra.

Sa pagsasanib-puwersa ng mga Brilyante, tuluyan na kayang matatalo ni Terra si Mitena?

Samantala, paano kaya haharapin nina Mira (Kate Valdez) at Lira (Mikee Quintos) ang galit ni Agnem (Mikoy Morales) sa kanilang muling pagkikita?

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.