GMA Logo Encantadia Chronicles: Sang'gre 176 episode
What's on TV

Sang'gre: Danaya at Pirena, nagkasundo na

By Kristine Kang
Published February 16, 2026 1:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EJ Obiena rules ISTAF Indoor with season-best clearance
For Bea Alonzo, jewelry makes the outfit
ICC Appeals Chamber: Duterte to remain in detention

Article Inside Page


Showbiz News

Encantadia Chronicles: Sang'gre 176 episode


Abangan mamaya ang pagkikita nina Pirena at Danaya sa 'Encantadia Chronicles: Sang'gre.'

Sa gitna ng hinagpis, magsisimula na ang bagong laban ng mga Sang'gre.

Sa inilabas na teaser ng superserye, magkikita na muli ang magkakapatid na sina Sang'gre Danaya (Sanya Lopez) at Pirena (Glaiza De Castro).

Sa kabila ng galit at lungkot, magkakasundo na ang dalawa upang kalabanin ang Bathalang Kadiliman na si Gargan (Tom Rodriguez).

Samantala sa Sapiro, haharapin ni Armea (Ysabel Ortega) ang konseho matapos siyang tangkaing paslangin!

Huwag palampasin ang mga kaabang-abang na tagpong ito sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Silipin muna ang 2026 taping ng 'Sang'gre' cast sa gallery na ito: