GMA Logo dingdong dantes and marian rivera
What's on TV

Marian Rivera, may nakakatakot na eksena sa 'Endless Love'?

By Jansen Ramos
Published May 5, 2021 6:12 PM PHT
Updated June 2, 2021 7:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

dingdong dantes and marian rivera


Anong eksena sa 'Endless Love' ang hindi malilimutan ng Kapuso Primetime Queen?

Memorable para kay Marian Rivera ang pinagbidahang 2010 GMA series na Endless Love.

Bukod sa katambal niya rito si Dingdong Dantes, memorable daw para kay Marian ang serye dahil ito ang unang beses na pumayag siyang mailagay sa isang kabaong, ayon sa panayam sa kanya ni Boobay sa GMA Pinoy TV FunCon.

"Parang ang dami kong luhang naiiyak d'yan at hindi ko makakalimutan 'yan kasi kung 'di ako nagkakamali, ito 'yung first time ko pumayag sa isang soap opera na ilagay sa kabaong kasi namatay ako d'yan.

"Sa Marimar, pinasok din ako pero sa kahon, wood lang. Ito talaga kabaong," pag-alala ni Marian sa nakakatakot na eksena.

Bumilib naman ang kanyang leading man at ngayo'y asawang si Dingdong sa ipinakitang dedikasyon ni Marian sa kanyang craft.

Bahagi ni Dingdong, "Heavy drama 'to lalo na kay Marian na ang tindi ng requirement lalo na sa acting kaya nakita ko talaga 'yung effort n'ya dito."

Samantala, excited na raw si Dingdong sa pagbabalik-telebisyon ng Endless Love na hango sa hit 2000 Korean dramang 'Autumn in My Heart,' ang first installment ng season-themed series na Endless Love. Muli itong mapapanood soon sa GMA Telebabad at ngayong Hunyo naman sa GMA Pinoy TV matapos ang 11 taon.

Saad ng aktor, "Excited ako sa Endless Love kasi 'yung mga ganyang re-run talagang na-i-imagine mo sa mga Korean drama 'yung story na 'yun na in-adapt natin. ''

"Very timeless 'yung mga gano'ng klaseng kuwento na kahit kailan mo panoorin ay parang very refreshing pa rin."

Ang Endless Love ay kuwento tungkol kina Johnny (Dingdong Dantes) at Jenny (Marian Rivera). Sabay silang lumaki dahil sa pag-aakalang sila ay magkapatid. Nang nalamang hindi sila magkadugo, nahulog ang loob nila sa isa't isa hanggang sa naging magkasintahan.

Maliban kina Dingdong at Marian, mapapanood din sa local version ng Endless Love sina Dennis Trillo, Nadine Samonte, Bela Padilla, Tirso Cruz III, at Sandy Andolong.

Tampoko din dito sina Kristoffer Martin and Kathryn Bernardo na gumanap bilang young Johnny and Jenny.

Ang Endless Love ay mula sa direksyon ng award-winning directors na sina Mac Alejandre and Andoy Ranay.

Narito ang iba pang GMA remakes na minahal ng mga manonood: