
Simula June 7, muling mapapanood sa GMA Telebabad ang isa sa mga teleseryeng pinagbidahan nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang Endless Love.
Philippine adaptation ang Endless Love na base sa South Korean drama na Autumn in My Heart, ang unang serye sa season-themed series na Endless Love.
Bukod kina Dingdong at Marian, makakasama rin nila sina Dennis Trillo, Nadine Samonte, Bela Padilla, Tirso Cruz III, at Sandy Andolong.
Abangan ang pagbabalik telebisyon ng Endless Love sa June 7 sa GMA Telebabad.