GMA Logo False Positive
Photo by: False Positive
What's on TV

Finale ng 'False Positive', bukas na

By Kristine Kang
Published June 25, 2026 5:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Temporary visitor visa, mananatiling libre para sa mga Pinoy sa kabila ng visa fee hike—Japan embassy
Mga peligrosong sanga ng puno sa Rizal Avenue, sinimulan nang putulin | One North Central Luzon
Thai actor PP Krit shares snaps from Palawan vacation

Article Inside Page


Showbiz News

False Positive


Huwag palampasin ang exciting finale ng 'False Positive', bukas sa GTV!

Kapana-panabik ang mga kaganapan sa huling linggo ng GMA fantasy rom-com series na False Positive.

Mula premiere hanggang finale week, muling tumawa, umiyak, at na-inlove ang mga manonood sa kakaibang kuwento nina Yannie (Glaiza De Castro) at Edward (Xian Lim).

Dahil sa isang accidental curse, naranasan ni Edward ang buhay ng isang buntis habang nabigyan naman si Yannie ng pagkakataong makapagtrabaho muli.

Ngunit habang hinaharap ng mag-asawa ang mga pagsubok na dulot ng kanilang sitwasyon, tila unti-unti rin nilang nauunawaan ang isa't isa.

Habang papalapit ang pagtatapos ng serye, haharapin nina Yannie at Edward ang kanilang huling pagsubok: ang pagsilang ng kanilang sanggol!

Ano kaya ang mangyayari sa kanilang pamilya? Matatago pa ba nila ang kanilang sikreto?

Huwag palampasin ang finale ng False Positive, bukas, 4:45 p.m., sa GTV.

Samantala, silipin ang baby bump photos ng ilang celebrities sa gallery na ito: