Dianne dela Fuente: Where is she now?

Balik-teleserye ang singer/actress na si Dianne dela Fuente matapos ang 19 na taon.
Mapapapanood siya sa bagong GMA fantasy rom-com series na 'False Positive' na first major project niya sa Kapuso network.
Bago ito, nagkaroon siya ng guesting sa weekly sitcom na 'Pepito Manaloto' noong 2019 at sa variety game show na 'Wowowin' noong 2020.
Ayon kay Dianne, malaki ang kanyang naging adjustment nang bumalik siya sa pag-arte via 'False Positive' kung saan gaganap siya bilang Maritess Sotto na isang persuasive reporter na determined malaman ang rumors tungkol sa pregnant man na si Edward (Xian Lim).
"Actually medyo nag-adjust po talaga nang major especially 'yung role ko dito is very different from my personality, 'yung talagang maingay, magalaw, medyo ano po kasi ako, parang dalagang Pilipina po ba ang tawag do'n?
"So major adjustment s'ya sakin but I just hang on to the thought that they believed and trusted na kaya ko pong gampanan yung binigay nila sa 'kin," bahagi ni Dianne sa virtual media conference ng 'False Positive' noong Arpril 13.
Sa ngayon ay happily married si Dianne at may dalawang anak. Tumutulong din siya sa pagma-manage ng family business ng kanyang mister na si Ian Tiongson.
Pero bakit nga ba bumalik sa pag-arte si Dianne?
Sagot niya, "Actually I really miss acting. Sa totoo lang, 'yun po talaga 'yung nakalakihan ko ever since I was five. I was singing on top of the table, nag-a-acting so sabi ko if there's an opportunity na darating na God-willing, I'm one of those lucky few na nakakabalik ng showbiz so grinab ko na 'yung opportunity and I'm very thankful for the trust na ibinigay sa 'kin."
Kumustahin si Dianne dela Fuente sa gallery na ito:







