GMA Logo xian lim in false positive
What's on TV

Xian Lim has developed higher regard for pregnant women because of his role in 'False Positive'

By Jansen Ramos
Published April 30, 2022 1:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

xian lim in false positive


'Kurot pa lang 'yung nararamdaman ko sa dami nang pinagdadaanan nila so that gives me a whole 'nother level of respect for them dahil, grabe, hindi biro.' - Xian Lim.

Samu't saring emosyon ang hatid ang bagong GMA teleserye na False Positive na mapapanood na ngayong Lunes, May 2.

Makakatambal ng hunk actor na si Xian Lim dito for the first time ang Asia's Acting Gem na si Glaiza De Castro. Gaganap sina Xian at Glaiza bilang newlyweds na sina Edward at Yannie dela Guardia na magkakaroon ng gender switch.

Challenging ang role para kay Xian na naging daan para mamulat siya sa mga pinagdadaanan ng mga babae.

"Kurot pa lang 'yung nararamdaman ko sa dami nang pinagdadaanan nila so that gives me a whole 'nother level of respect for them dahil, grabe, hindi biro," ani Xian sa ulat ni Aubrey Carampel sa Chika Minute noong Biyernes, April 29.

Si Glaiza na talaga namang sanay sa drama, napasabak sa romantic comedy na may halo pang fantasy.

Ayon sa aktres, refreshing ang gumanap sa isang feel-good series.

"May mga na-discover pa ko sa sarili ko na, ah okay, 'di ko dapat masyadong isipin, dapat pala i-enjoy mo lang 'yung moment being present ganyan so ang sarap sa pakiramdam."

Panoorin ang buong report dito:

Tampok din sa False Positive ang mga batikang aktor na sina Tonton Gutierrez, Alma Concepcion at Nova Villa.

Parte rin ng cast ng bagong GMA Telebabad series sina Rochelle Pangilinan, Dominic Roco, Luis Hontiveros, Dianne dela Fuente, Yvette Sanchez, Buboy Villar at Herlene "Hipon" Budol.

Ang False Positive ay mula sa direksyon ni Irene Villamor.

Narito ang iba pang programang mapapanood sa GMA ngayong summer: