
Exciting ang episode mamayang gabi ng hit GMA Telebabad series na False Positive na pinagbibidahan nina Glaiza de Castro at Xian Lim.
Mamaya kasi ay magko-cross dress ang karakter ni Xian na si Edward dahil nagseselos sa siya sa relasyon ng kanyang asawang si Yannie (Glaiza) at Devon (Luis Hontiveros).
Sa Instagram, pinakita ni Xian ang kanyang transformation mula sa Edward hanggang siya ay maging si Edwarda.
Dahil sa nakakaaliw na video, hindi napigilan ng karelasyon ni Xian na si Kim Chiu na mag-comment.
Sulat niya, "Hala!!!!!!! bakit naging maskulada yung babae?!!!!! hala!!!!!!! Ibalik mo si xian!!!!!!!!!!!!!!"
Nakisaya rin ang ina ni Xian na si Mary Anne Lim sa video ng kanyang anak.
Paglalarawan niya, "The daughter I never had!!"
Ano na kaya ang mangyayari sa kakaibang pagmamahalan nina Yannie at Edward sa False Positive? Panoorin ang huling 5 gabi nito sa GMA Telebabad pagkatapos ng First Lady.