GMA Logo Ben and Ben
What's on TV

National Anteam ng Ben&Ben, panalo ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published April 13, 2023 7:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Ben and Ben


Congratulations, Ben and Ben's National Anteam!

Napatalon sa saya ang team National Anteam ng OPM band na Ben&Ben nang maipanalo nila ang PhP200,000 jackpot prize sa kanilang paglalaro sa weeklong anniversary special ng Family Feud ngayong Huwebes, April 13.

Sa nasabing episode, nahati muna sa dalawang grupo ang mga miyembero ng Ben&Ben na pinangunahan ng magkapatid na sina Paolo at Miguel Guico.

Si Paolo ang team leader ng National Anteam, kasama sina Keifer Dela Cruz, Agnes Abalos, at Poch Dulay. Habang si Miguel naman ang nanguna sa kaniyang team na Teampered Glass kasama sina Toni Muñoz, Pat Lasaten, at Jam Villanueva.

Ang kanilang isa pang band member na si Andrew de Pano ay kasama rin bilang kanilang taga-suporta sa studio audience.

Samantala, sa kanilang paglalaro, panalo ang National Anteam sa first round sa score na 49 points.

Pagdating sa second round, nakabawi ang team Teampered Glass sa score na 41 points at muli pa silang nanalo sa third round at nakakuha ng 205 points.

Pagdating sa third round, kung saan triple na ang magiging score, na-steal ng National Anteam ang game nang mahulaan nila ang huling survey answer sa tanong na, “Ano ang makikita sa braso ng mga lalaki?”

Ang final score ng National Anteam ay 343 points habang ang Teampered Glass naman ay 205 points.

Sa fast money round, sina Keifer at Agnes ang naglaro kung saan nakabuo sila ng 200 points na sakto sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.

Samantala, makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Angat Buhay Foundation Inc. bilang napiling charity ng National Anteam habang mayroon namang PhP50,000 ang Teampered Glass.

Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

MAS KILALANIN ANG FOLK POP BAND NA BEN&BEN SA GALLERY NA ITO: