
Napatalon sa saya ang former SexBomb dancer na si Sunshine Garcia-Castro nang maipanalo nila ng kaniyang pamilya ang PhP200,000 jackpot prize sa kanilang paglalaro sa Family Feud nitong Huwebes, April 27.
Kasama ni Sunshine na naglaro ang kaniyang asawa at actor-politician na si Alex Castro, kapatid niya na si Donald Garcia, at kaniyang sister-in-law na si Ann Mai Villarico.
Sa nasabing episode, nakalaban nina Sunshine ang grupo ng malulupit din sa sayawan na Universal Motion Dancers o UMD na sina Wowie De Guzman, Jim Salas, James Salas, at Gerry Oliva.
Sa kanilang paglalaro, panalo ang UMD sa first round sa score na 79 points. Pagdating sa second round, nakabawi ang Garcia-Castro family sa score na 49 points nang makuha nila ang survey answer sa tanong na, “Magbigay ng dahilan kung bakit walang katao-tao sa kalsada?”
Sa third round, muling naka-score ang pamilya na si Sunshine kung saan nakabuo sila ng 215 points.
Pagdating sa fourth round, hindi binigyan ng pagkakataon nina Sunshine na makapuntos pa ang UMD nang ma-perfect nila ang survey answers sa survey board sa tanong na, “Bukod sa flowers, ano po ang puwedeng gawing bouquet?”
Ang final score ng Garcia-Castro ay 515 points habang ang UMD naman ay 79 points.
Sa fast money round, sina Sunshine at Alex ang naglaro kung saan nakabuo sila ng 226 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.
Samantala, makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Philippine Foundation For Breast Cancer, Inc. bilang napiling charity ng Garcia-Castro Family habang mayroon namang PhP50,000 ang UMD.
Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.
KILALANIN ANG ILAN PANG NAGING JACKPOT WINNERS SA FAMILY FEUD SA GALLERY NA ITO: