GMA Logo BGYO group
What's on TV

P-pop group BGYO, panalo ng PhP200,000 sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published May 9, 2023 10:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

The Donald J. Trump and John F. Kennedy Memorial Center for the Performing Arts
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

BGYO group


Congratulations, BGYO!

Napatalon sa saya ang P-pop group na BGYO nang maiuwi nila ang PhP200,000 jackpot prize sa kanilang paglalaro sa Family Feud kahapon, May 8.

Ang lead dancer and lead rapper na si Gelo Rivera ang nanguna sa grupo kasama ang kanilang main vocalist na si JL Toreliza, lead vocalist and main visual na si Akira Morishita, at main rapper na si Mikki Claver. Ang fifth member na si Nate Porcalla ay kasama rin sa studio upang sumuporta sa kanila.

Sa nasabing episode, nakalaban ng BGYO ang kanilang kapwa P-pop powerhouse -- ang girl group na BINI kasama ang lead vocal and lead rapper nito na si Jhoanna Robles, main rapper and visual Aiah Arceta, lead dancer and sub-vocalist Stacey Sevilleja, at main vocalist na si Maloi Ricalde. Ang kanilang iba pang miyembro na sina Colet Vergara, Gwen Apuli, Mikha Lim and Sheena Catacutan ay nag-cheer naman sa kanila kasama ng studio audience.

Sa kanilang paglalaro, panalo na ang BGYO sa first round sa score na 35 points. Pagdating sa second round, nakabawi ang BINI nang mahulaan nila ang survey answers sa tanong na, “Sa trabahong ito, gumagamit ka ng flashlight,” kung saan nakakuha sila ng score na 54 points.

Sa third round, muling naka-score ang girl group kung saan nakabuo sila ng 242 points.

Pagdating sa fourth round, humataw ng pagbawi ang BGYO nang mahulaan nila ang tatlong survey answers sa tanong na, “Anong mabisang panghuli sa daga?”

Ang final score ng BGYO ay 311 points habang ang BINI naman ay nakakuha ng 242 points.

Sa fast money round, sina Akira at JL ang naglaro kung saan nakabuo sila ng 224 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.

Makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Pawwsion Project bilang napiling charity ng BGYO at mag-uuwi pa rin ng PhP50,000 ang BINI.

Tumutok sa Family Feud kasama si Dingdong Dantes, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

KILALANIN NAMAN ANG MARAMING RISING P-POP GROUPS SA GALLERY NA ITO: