GMA Logo Dingdong Dantes in Family Feud
What's on TV

Dingdong Dantes, ramdam na ang sepanx sa nalalapit na season break ng 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published May 15, 2023 7:51 PM PHT
Updated May 15, 2023 7:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes in Family Feud


Survey says…break muna sa hulaan ng top answer.

Pansamantala munang magpapaalam sa maraming Kapuso viewers ang trending weekday game show ng GMA na Family Feud kasama ang game master na si Dingdong Dantes.

Ayon sa report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras, magkakaroon muna ng season break ang nasabing programa, pero pangako naman ng actor-host na si Dingdong, “Promise po, babalik po kami.”

Bagamat saglit lamang mawawala ang nasabing game show, ramdam na raw ngayon ni Dingdong ang sepanx (separation anxiety) bilang host nito.

Aniya, “Kakaibang saya po kasi talaga ang dinudulot at binibigay nito, hindi lang sa akin kung 'di sa mga manonood so siyempre mami-miss ko po talaga ang Family Feud.”

Isa sa dapat abangan sa huling mga episode ng programa ay ang paglalaro ng ilan sa cast ng upcoming series na Unbreak My Heart na first TV collaboration project ng GMA at ABS-CBN, kasama ang Viu. Maglalaro dito ang mga Kapamilya na sina Joshua Garcia at Nikki Valdez.

Ayon naman kay Dingdong, tiyak na magiging mas exciting ang Family Feud, sa pagbabalik nito.

Samantala, mapapanood naman si Dingdong sa upcoming murder-mistery series na Royal Blood, at bilang host ng The Voice Generations.

BALIKAN ANG INCOMPARABLE CAREER NI DINGDONG DANTES DITO: