GMA Logo dingdong dantes on family feud
What's on TV

OMSIM! Dingdong Dantes, nag-loading sa sagot ng batang contestant

By Jimboy Napoles
Published March 5, 2024 6:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BIR warns public against falling for fake tax payment reminder
Goats stabbed, hit hard to death in Iloilo
How motorists can save on fuel costs as oil prices rise amid Middle East tensions

Article Inside Page


Showbiz News

dingdong dantes on family feud


Generation gap is real!

Natahimik at tila “nag-buffer” ang game master na si Dingdong Dantes nang marinig ang sagot ng isang kiddie contestant sa Family Feud.

Tinanong ni Dingdong ang 11-year-old studio player na si Patrick Angeles kung gusto niya bang maging piloto. Confident na sumagot ang bata, “Omsim…!”

Nagtawanan ang mga batang ka-team ni Patrick dahil na-gets nila ang expression na sikat sa mga kabataan ngayon.

Pero ang Primetime King, natahimik at napaisip.

Para maintindihan ng host, ni-rephrase ng bata ang sagot, “Opo, gusto ko pong maging piloto!”

Hindi napigilan ni Dingdong na mapatanong sa studio audience “Ha? Ano 'yun? Ano 'yung omsim?”

“Mismo!” sigaw ng studio audience.

Natawa na lamang si Dingdong sabay high-five at hirit kay Patrick ng “Nakuha mo ako roon, ah! Lodi, ha!”

Mapapanood ang masayang banter nina Dingdong at Patrick sa episode kung saan nagtapatan ang dalawang kiddie teams na Mini Marvels at Whiz Kids.

Sa round three ay tinanong ni Dingdong ang kiddie contestants kung anong trabaho ang sa palagay nila ay puwede silang yumaman. “Piloto” ang naging sagot ni Patrick, at dito na nagsimula ang kanilang masayang banter.

Ang “Omsim” ay sikat na expression ng mga Gen Z at millennials. Ito ay binaligtad na salitang “mismo,” na ang ibiga sabihin sa Ingles ay “exactly.”

Bukod sa omsim, marami pang binaligtad na Filipino words ang ginagamit ng mga kabataan ngayon tulad ng ssob at eguls.

Ang ssob ay binaligtad na 'boss'. Ginagamit ito sa mga nagla-livestream games at sa online selling. Ang eguls naman ay mula sa Filipino word na 'lugi', na ibig sabihin ay "loss" o "deficit" sa English.

Samantala, nanalo naman ng PhP200,000 jackpot prize ang team The Mini Marvels sa kanilang paglalaro ngayong Martes, March 5.

Panoorin ang masasayang episodes ng Family Feud para 'di kayo mahuli sa kuwentuhan. Omsim!

Mapapanood ang Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 PM bago ang 24 Oras sa GMA.

Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page. Worldwide ding itong napapanood via our livestream sa official YouTube channel ng Family Feud at sa GMA Network Kapuso Stream.